Anak ni Aga Muhlach, P100 lang baon sa school

Nagulantang ang financial advisor na si Chinkee Tan sa isiniwalat ng anak ni Aga Muhlach na si Atasha.

Nagulantang ang financial advisor na si Chinkee Tan sa isiniwalat ng anak ni Aga Muhlach na si Atasha.

Sa isang episode ng ‘Eat Bulaga’ tinanong ni Vic Sotto si Atasha kung magkano ang baon nito noong nag-aaral pa.

“Ikaw, magkano baon mo no’n?” saad ni Vic.

“100 pesos,” sagot ni Atasha.

“Wow! Grabe ha? Talaga?” sagot naman ni Chinkee.

Nilinaw rin ni Atasha na pesos ang denomination ng kanyang baon at hindi dolyar.

Ang 22-anyos na dalaga ay nag-aral dati sa British School Manila. Matapos ito, lumipat siya pa-Europa para mag-aral sa Nottingham Trent University.

Samantala, natuwa naman ang mga netizen sa pagpapalaki ni Aga sa kanyang anak.

“Sa ibang bansa sila nag aral. Nakaranas ng normal na buhay. Walang vip vip doon. Lahat pantay2. Kaya sobrang naappreciate nila ang maging special dito sa pinas.”

“Maganda pagpapalaki sa knila ng mga magulang nila si Aga Muhlach and Charlene,.. kaya kitang kita mo sa kanila, sa kilos, pananalita ung magandang asal, may respeto at magagalang talagang mga bata.”

“They are already Mature at a Young Age. Well Raised Children..”