Anak ng magsasaka valedictorian ng PMA Bagong Sinag Class 2024

Isang kadete mula sa Surigao City ang valedictorian ng klase ngayong taon sa Philippine Military Academy (PMA).

Isang kadete mula sa Surigao City ang valedictorian ng klase ngayong taon sa Philippine Military Academy (PMA).

Si PMA Kadete 1st Class Jeneth Elumba ang ika-pitong babae na naging valedictorian ng klase sa PMA simula nang tanggapin ang mga babae noong 1993.

Ayon kay Elumba, nag-aaral siya sa University of the Philippines (UP) Visayas nang magpasiya siyang sumali sa PMA. Aniya, naging inspirasyon niya ang kanyang ama.

Nakapagtapos kasi umano ang kanyang ama bilang Criminology student, na ngayon ay isa ng magsasaka ng palay.

“My father inspired me to enter the Academy. He wanted to serve as a uniformed personnel, but circumstances led him to farming. It’s for him and our family that I pursued this career,” pahayag ni Elumba.

Samantala, binigyang-diin ni Elumba ang kahalagahan ng pagbibigay ng PMA ng pagkakataon at pagkakapantay sa lahat ng kasarian.

“The perception that soldiery is male-dominated is outdated. At PMA, females are given equal opportunity to lead and excel,” dagdag pa nito.