Anak ng magsasaka, top 1 ng PMA Class of 2024

Ang anak ng magsasaka na si Cadet First Class Jeneth Elumba ang nagtapos bilang numero unong kadete sa Bagong Sinag Class of 2024 ng Philippine Military Academy (PMA).

Ang anak ng magsasaka na si Cadet First Class Jeneth Elumba ang nagtapos bilang numero unong kadete sa Bagong Sinag Class of 2024 ng Philippine Military Academy (PMA).

Si Elumba, 24, ay tubong Surigao del Sur.

Magsasaka ang kanyang ama habang opisyal sa barangay ang kanyang ina.

Nagtapos si Elumba bilang Magna cum laude at mapupunta sa Philippine Army.

Pumangalawa naman sa klase si Mark Armuel Boiles, na anak ng isang tricycle driver. Mapupunta si Boiles sa Philippine Air Force.

Samantala, bukod kay Elumba, anim pang mga babae ang nakapasok sa top 10 ng Bagong Sinag Class.