Amok pa more? Batas na yayari sa mga mahilig mag-‘road rage’ inihain sa Kamara

Nakatakda nang maparusahan ang mga motorista na masasangkot sa mga insidente ng road rage.

Nakatakda nang maparusahan ang mga motorista na masasangkot sa mga insidente ng road rage.

Ito ay matapos ihain ni San Jose del Monte Representative Florida ”Rida” Robes ang House Bill No. 1511, na naglalayong tiyakin ang kaligtasan ng mga kalsada para sa publiko.

Ayon kay Robes, tumataas na kasi ang kaso ng mga nag-aaway hanggang sa nagkakasakitan sa kalsada.

”This bill seeks to address the rising incidents of road rage by imposing penalties on erring motorists to make our roads safer for all users,” saad ni Robes.

Para sa mga masasangkot sa road rage, sila ay paparusahan ng pagkakakulong ng hindi bababa sa anim na buwan ngunit hindi hihigit sa anim na taon, at magmumulta na hindi bababa sa P250,000.

Bukod pa rito, ang lisensya sa pagmamaneho ng taong masasangkot sa road rage ay babawiin at hindi maaaring i-renew sa loob ng susunod na limang taon pagkatapos ng insidente.