‘Amnesia girl’ Alice Guo suki na ng mga memes

Pinulutan ng mga netizen si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo dahil sa naging pagdinig sa Senado tungkol sa kanya umanong kaugnayan sa Philippine offshore gaming operator (POGO) sa kanilang lugar.

Pinulutan ng mga netizen si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo dahil sa naging pagdinig sa Senado tungkol sa kanya umanong kaugnayan sa Philippine offshore gaming operator (POGO) sa kanilang lugar.

Sa pagdinig, tinanong ni Senadora Risa Hontiveros si Guo tungkol sa kanyang birth record, school records, at iba pang detalye tungkol sa buhay ng alkalde.

Ngunit karamihan sa kanyang sagot ay, “your honor, hindi ko na po maalala.”

Kaya naman maraming Pinoy ang nawindang kay Guo dahil sa misteryosong buhay nito bago maging mayor ng Bamban.

Pero bukod diyan, napagkatuwaan din ng mga netizen na gawan ng meme si Guo, kabilang na diyan ang paglapat ng kanyang mukha sa poster ng 2010 romcom movie na ‘My Amnesia Girl’.


May ilan pang meme na nabuhay dahil sa tila pagiging makakalimutin ni Guo.