Amin ‘yan! Romualdez, nababahala sa presensya ng China sa Philippine Rise

Nagpahayag ng pagkabahala si House Speaker Martin Romualdez hinggil sa napaulat na pagala-galang Chinese vessels sa Philippine Rise.

Nagpahayag ng pagkabahala si House Speaker Martin Romualdez hinggil sa napaulat na pagala-galang Chinese vessels sa Philippine Rise.

Sa isang pahayag ngayong Lunes, sinabi ni Romualdez na ang pagpasok ng dayuhang barko sa Philippine Rise, kilala rin sa tawag na Benham Rise, nang walang pahintulot ng Pilipinas ay pambabastos sa soberanya ng bansa.

“The Philippines will not compromise its territorial integrity or allow any encroachment upon its sovereign rights. Philippine Rise is unquestionably within our EZZ, and we will assert our authority to safeguard our maritime domain,” ani Romualdez.

Ayon sa Kongresista, ang Philippine Rise ay mahalagang bahagi ng bansa sa aspeto ng ekonomiya at likas na yaman kaya dapat itong protektahan ng pamahalaan.

“The Philippine Rise is a vital marine resource rich in biodiversity and potential for scientific research, as well as economic opportunities for our country. We must protect and harness its full potential for the benefit of the Filipino people,” saad niya.

Sa huli, nanawagan si Romualdez sa lahat ng bansa na igalang ang international law ay soberanya ng bawat isa.

iginiit din niya na hindi isusuko ng Pilipinas anumang teritoryo nila sa mga dayuhan.

“The Philippines will not back down or yield an inch of its territory. We will continue to assert our rights over the Philippine Rise and any other maritime areas that belong to us under international law,” giit ni Romualdez.