Amin ‘yan! Romualdez dedepensahan mga huhulihin ng China sa WPS

Hindi papayagan ni House Speaker Martin Romualdez na hulihin ng China ang mga “trespassers” sa West Philippine Sea sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Hindi papayagan ni House Speaker Martin Romualdez na hulihin ng China ang mga “trespassers” sa West Philippine Sea sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Kamakailan ay naglabas ng Order No. 3 ang China Coast Guard (CCG) kung saan nakatakda nilang arestuhin ang mga umano’y trespasser sa WPS.

“The House of the Filipino People will not tolerate any arrests of our citizens or fishermen within our own. We will fiercely defend our sovereignty and ensure the safety and rights of our people,” saad ni Romualdez.

Aniya, ang aksyon na ito ng China ay labag sa pandaigdigang batas at mga karaniwang pamantayan na sinusunod ng Pilipinas at iba pang mga bansa.

“China’s aggressive pronouncement are a blatant escalation of tension in the West Philippine Sea. These unilateral actions flagrantly violate international law and the established norms that guide the Philippines and other law-abiding nations with claims in the South China Sea,” sey pa nito.

Dahil dito, nanawagan si Romualdez: “China must respect international rulings and act as a responsible member of the global community, rather than imposing its own laws unilaterally and bullying other nations.”