Amerika ‘di magpapakamatay para sa ‘Pinas – Duterte

'Di nakikita ni ex-president Rodrigo Duterte na seryoso ang US sa pagsaklolo sakaling mapasok sa giyera ang Pilipinas.

‘Di nakikita ni ex-president Rodrigo Duterte na seryoso ang US sa pagsaklolo sakaling mapasok sa giyera ang Pilipinas.

Sa ulat na inilabas ng Chinese tabloid na Global Times ngayong Biyernes, personal nilang pinuntahan si Duterte sa Davao City kung saan nakapanayam nila ito.

Tinanong ng tabloid reporters ang dating pangulo tungkol sa opinyon nito sa nangyayaring gusot sa West Philippine Sea (WPS).

Dito na inakusahan ni Duterte ang US na inuudyukan ang Pilipinas na pumasok sa isang giyera.

“So I am very sure of that – America is giving the instructions to the Philippine government to ‘not be afraid because we will back you up,'” saad ni Duterte.

“But I do not think that America will die for us. And yet America has so many bases in the Philippines now; I objected to it when the US wanted to build a military base in Philippines. Then with the consent of the president of the Republic of the Philippines, they have so many bases,” wika pa ng dating pangulo.

Ayon kay Duterte, kung may awtoridad lamang siya ay paaalisin niya sa bansa ang mga base militar ng Amerika.

“I am sorry for my country. I am not the president anymore. I cannot run. But if there is a way we can reverse the situation, we might find a way inside to implode somewhere. And if God would allow it then perchance I would be able to reverse the situation. I would remove the bases,” ani Duterte.

“And I would tell the Americans, you have so many ships, so you do not need my island as a launching pad or as a launching deck for you,” dagdag pa niya.

Kilala si Duterte sa pagkakaroon ng matibay na pakikitungo sa China noong siya pa ang pangulo. Ang kanya namang anak, na si Bise Presidente Sara Duterte, ay hindi naglabas ng statement matapos bombahin ng China ng water cannon ang bangka ng Pilipinas noong nakaraang buwan.