Amendments sa Rice Tariffication Law, lusot na sa kamara!

Tuluyan nang pinagtibay ng Kamara ang panukalang amyenda sa Rice Tariffication Law.

Tuluyan nang pinagtibay ng Kamara ang panukalang amyenda sa Rice Tariffication Law.

Ang panukalang ito ay naglalayong palakasin ang rice buffer stocking at market intervention upang mabawasan ang presyo ng bigas.

Mananatili ang mandato ng National Food Authority (NFA) na mag-imbak ng lokal na biniling bigas mula sa magsasaka at bantayan ang lahat ng grain warehouse.

Babalik na rin ang NFA rice sa merkado, lalo na sa panahon ng emergency.

Sa kawalan ng suplay o patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas, maaaring ideklarang Department of Agriculture ang food security emergency.

Bukod dito, maaari ring mag-import ng bigas ang NFA sakaling magkulang ang suplay, subalit kailangan ng pahintulot mula sa Agriculture secretary.

Papalawigin din ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ng anim na taon at itataas ang alokasyon mula ₱10 bilyon hanggang ₱15 bilyon.

Nagpasalamat naman si Speaker Martin Romualdez sa suporta ng mga kasamahan sa Kamara para sa pagpapatibay ng panukala, na aniya’y malaking hakbang tungo sa pagkamit ng katatagan sa pagkain.

Nanawagan rin si House Majority Leader Mannix Dalipe sa bagong liderato ng Senado na bigyan ng pansin ang amyenda sa RTL.