Ambulansyang walang pasyente, huli matapos dumaan dumaan sa EDSA busway!

Nahuli ang isang ambulansya at kanyang kasamahan matapos dumaan ng mga ito sa EDSA busway sa Quezon Avenue Station kahit na wala namang sakay na pasahero.

Nahuli ang isang ambulansya at kanyang kasamahan matapos dumaan ng mga ito sa EDSA busway sa Quezon Avenue Station kahit na wala namang sakay na pasahero.

Sa Facebook post na ibinahagi ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT), mapapanood ang video kung saan makikitang galit ang driver ng ambulansya dahil sila ay sinita ng awtoridad.

Maririnig sa sinabi ng driver na hindi nila umano alam na bawal pala dumaan sa busway ang ambulansyang walang pasyente.

Mapapanood pa na tila tumataas at galit na nakikiusap ang naturang driver.

“Nakikiusap ako ng maayos sa inyo. Hindi niyo man lang ako pagbigyan, taga-gobyerno rin kami!” saad ng ambulance driver.

“Kasi unfair po siya ‘di namin alam. Ayan unfair po. Kung alam namin ‘to, hindi kami dumaan dito,” dagdag pa nito.

Sa huli, nabigyan pa rin ng ticket ang ambulansya.

PANOORIN: