Ama arestado sa panghahalay sa 2 anak sa Albay

Arestado ang isang padre de pamilya matapos nitong gahasain ang kanyang dalawang sariling anak sa Purok 5, Barangay 1, Malilipot, Albay.

Arestado ang isang padre de pamilya matapos nitong gahasain ang kanyang dalawang sariling anak sa Purok 5, Barangay 1, Malilipot, Albay.

Base sa ulat ng awtoridad, nadakip ang 47-anyos na suspek sa ikinasang Manhunt Charlie Operation ng mga kawani ng Malilipot Municipal Police Station bandang alas-7:40 ng gabi.

Base sa sumbong ng lola ng mga menor de edad, nangyari ang panghahalay noong nakaraang taon.

Dahil dito, kinikilala ang suspek bilang Rank 1 Municipal Most Wanted Person sa kasong 4 counts of rape.

Sa ngayon, binabantayan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalawang bata, na ngayon ay nasa kustodiya ng kanilang lola.