Alyansang PFP, Lakas-CMD kasado na!

Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpirma ng kasunduan para sa alyansa ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ngayong Miyerkoles.

Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpirma ng kasunduan para sa alyansa ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ngayong Miyerkoles.

Ayon kay House Deputy Speaker Jayjay Suarez, iisang senatorial slate ang ibabandera ng dalawang partido para sa 2025 midterm elections.

“Lakas has 100 members in Congress, we have the biggest [membership] and we are getting bigger, stronger. We look forward to our alliance with PFP for the upcoming elections [in May 2025]. This is part of our preparations for the 2025 midterms,” saad ni Suarez.

“Magkakaroon po kami ng common slate sa Senate [2025 polls]. Definitely, will also have a harmonious slate when it comes to local elections,” dagdag pa niya.

Matatandaang si Marcos ay tumakbo sa ilalim ng PFP noong 2022 elections. Samantala, Lakas-CMD naman ang partido ng running mate niya na si Bise Presidente Sara Duterte. Gayunman, noong nakaraang taon ay kumalas sa Lakas-CMD si Duterte.

Paliwanag pa ni Suarez, ang alyansa ay binuo upang luminya sila sa polisiya ng administrasyon.

“This [alliance] is for us to be attuned with policy directives of the President. This will strengthen our position in ensuring that proper legislation is being implemented in the country,” aniya.