Alyansang LP, Marcos malabo sa 2025 — Hontiveros

Imposibleng mangyari sa darating na eleksyon 2025 ang pagsasanib pwersa ng dilaw at pula, ayon kay Senator Risa Hontiveros.

Imposibleng mangyari sa darating na eleksyon 2025 ang pagsasanib pwersa ng dilaw at pula, ayon kay Senator Risa Hontiveros.

Kamakailan ay umapela si dating Senator Antonio Trillanes III para sa pagbuo ng unity ticket ng administrasyong Marcos at ng oposisyong Liberal Party upang pagtulungang pabagsakin ang pwera ng mga Duterte sa susunod na eleksyon.

Ayon kay Hontiveros, malabo mangyari ang hiling ni Trillanes dahil sa kanilang pinanghahawakan na prinsipyo laban sa mga unresolved issues sa kasaysayan ng human rights violation at plunder case ng pamilya Marcos.

“I understand where former Senator Sonny Trillanes is coming from… Bagama’t mahalaga mapigilan yung pagbalik sa ganap na kapangyarihan ng mga Duterte, at the same time may mga unresolved issues sa kasaysayan ng mga human rights violation at plunder noong panahon ng martial law dictatorship,” sabi ni Hontiveros.

Dagdag ni Hontiveros, marami pa ang pwedeng pagpilian sa labas ng Marcos at Duterte forces upang maging kaalyansa ng oposisyon sa 2025.

“Actually malawak-lawak pa yung opposition and opppsitional groups na di pasok sa administrasyon at di rin aalyado sa mga Duterte so yun yung pangunahing trabaho namin… Magsasama-sama na kaming lahat,” aniya.

Si Hontiveros ang pinakamataas na elected official mula sa Liberal Party at kasalukuyang lider ng oposisyon.