Alvarez, rebelde?

Ipinag-utos ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang pag-iimbestiga sa mga naging pahayag ni dating Speaker Pantaleon Alvarez laban sa gobyerno kung ito ba ay maaaring maging grounds sa pagsasampa ng kasong sedition laban sa kanya.

Sa isang anti-Marcos rally nitong weekend, nanawagan si Alvarez sa militar at pulisya na iatras ang kanilang suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

“I have ordered an investigation on the statements of Congressman Pantaleon Alvarez to determine whether it has risen to the level of Sedition, Inciting to Sedition or even Rebellion,” ani Remulla sa isang pahayag.

Si Alvarez ay kilalang kaalyado at matalik na kaibigan ni dating pangulong Rodrigo Duterte, na ngayon ay patuloy na bumabanat sa administrasyong Marcos.

Samantala, pinayuhan din ni Remulla si Alvarez bilang dati niyang kasamahan sa Kongreso na manatiling propesyonal at sundin ang ethics ng isang serbisyo publiko.

“As a former lawmaker myself, I would like to remind Congressman Alvarez to act in accordance with the highest standards of ethics, morality and nationalism, and avoid remarks unbecoming of a member of the House of Representatives,” ani Remulla.