Alvarez laban-bawi sa banat kay Marcos

Nag-sorry na si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez sa kanyang paghimok sa mga sundalo at pulis na bumaliktad kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nag-sorry na si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez sa kanyang paghimok sa mga sundalo at pulis na bumaliktad kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa prayer rally sa Tagum City, sinabi ni Alvarez na nadala lang siya ng kanyang emosyon kaya niya nabanatan ang Pangulo.

“Pasensya na, nadala rin ng bugso ng damdamin,” ayon kay Alvarez.

Matatandaan na sinabi ni Alvarez na dapat na bawiin ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang suporta sa Pangulo dahil posible umanong magsimula ng giyera ang posisyon nito tungkol sa West Philippine Sea.

Pinalagan naman ito ng AFP at sinabing mananatili ang kanilang loyalty sa Konstitusyon.

“The AFP reiterates its unwavering commitment to professionalism, loyalty to the Constitution, and strict adherence to the Chain of Command,” ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla.

Nakiusap din ang PNP na huwag idamay ang mga uniformed personnel sa isyung politikal.