Alvarez binira ng mga kasamahan nang himukin AFP tigilan pagsuporta kay PBBM

Hindi sinuportahan ng ilang mga kasamahan ni dating speaker at Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez ang kanyang pahayag na dapat tumigil ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsuporta kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Hindi sinuportahan ng ilang mga kasamahan ni dating speaker at Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez ang kanyang pahayag na dapat tumigil ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsuporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Surigao del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel, ang pahayag na ito ni Alvarez ay pagtawag ng himagsikan, na makakaapekto umano sa panahon na kailangan ng bansa ng mga pag-unlad sa ekonomiya upang tugunan ang mga suliranin ng bansa.

“The remarks of the former speaker are uncalled for. That is tantamount to an act of sedition or rebellion. Now is not the time to be divisive when our country is trying to promote our country to be an investment haven to foreign investors. Instead, we should all unite and give our support to President Bongbong Marcos Jr. with his effort for economic reforms,” saad ni Pimentel.

Nanawagan naman si Camiguin Rep. Jurdin Jesus Romualdo sa Department of Justice (DOJ) na imbestigahan si Alvarez.

Aniya, kung kinakailangan ay magsampa ng kaso ang DOJ laban kay Alvarez para sa naging pahayag nito.

Maging si Lanao del Norte 1st District Rep. Khalid Dimaporo ay nag-iwan ng babala kay Alvarez na piliin nang maingat ang kanyang mga salita.

Aniya, ang mga binitawan na salita nito ay hindi naaayon sa pag-uugali ng isang miyembro ng House of Representatives.

“I would kindly urge the former speaker to be cautious with his words and clear on his intent. At face value, his anti-government statements are unbecoming of a member of the House of Representatives and may warrant an ethics case against him,” wika ni Dimaporo.