All right, sirs? Mga retiradong heneral, todo suporta kay PBBM; planong destabilisasyon, chismis lang

Mariing pinabulaanan ng mga retiradong heneral sa isang pulong na nagluluto sila ng destabilisasyon kontra sa pamahalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pinasinungalingan ng mga retiradong heneral na may niluluto silang pagkilos laban sa pamahalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“We are all here today, united, to air our support to President Ferdinand Marcos Jr., his administration, and the leadership of the House of Representatives and the Senate,” giit ni Admiral Danilo Abinoja, chairman at CEO of Philippine Military Academy Alumni Association, Inc. (PMAAAI), na isa sa mga nag-organisa ng nasabing pulong nitong Lunes, Enero 22. “We continue to abide by and vow to defend the Constitution, and the duly-constituted authorities. That is our oath, then and until now.”

Kasama rin sa pulong ang mga miyembro ng Association of Generals and Flag Officers (AGFO), Philippine Military Academy Retirees Association, Inc. (PMARAI), at National ROTC Alumni Association, Inc. (NARAAI).

BASAHIN RIN: Fake news lang! Planong destabilisasyon kontra PBBM, pinabulaanan ng PNP

“Ayaw naming magkagulo (We don’t want any trouble). A kingdom should not be divided if we want it to succeed,” giit naman ni Retired Maj. Gen. Marlou Salazar, na bise presidente NARRAI.

Dagdag pa niya, susi sa kapayapaan at kaunlaran ang isang matatag at sinusuportahang pamahalaan.

Ipinakita naman ni Retired Gen. Raul Gonzales, chairman ng PMARAI, ang isang resolusyon mula sa PMA Class ’75.

“In the light of the numerous misinformation and propaganda prevalent in social media that tend to polarize certain groups in our communities, our class would like to manifest in compelling terms, that we stand in unanimity and conformity with the duly constituted authorities, and to obey the laws, legal orders, and decrees promulgated by them,” saad dito.

Nagpasalamat naman si House Speaker Martin Romualdez sa suporta ng mga retiradong heneral.