All out! 63 Kongresista, sumuporta sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Benguet

Nagpakita ng suporta ang 63 miyembro ng Kongreso sa isinagawang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) na ginanap sa Benguet ngayong Linggo, Abril 21.

Nagpakita ng suporta ang 63 miyembro ng Kongreso sa isinagawang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) na ginanap sa Benguet ngayong Linggo, Abril 21.

Sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez, sinabi nito na kahit naka-bakasyon ang mga Kongreso ay bumyahe ang mga ito para maipahayag ang kanilang pagsuporta sa inisyatibo ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“We are in awe of the sheer solidarity of our members in the House of Representatives to President Marcos Jr.’s program of prompt services to Filipinos. Nakabakasyon po ang ating Kongreso, pero nakikita natin ang unity sa ating mga kongresista sa pagdalo sa ating BPSF dito sa Benguet,” pahayag ni Romualdez.

Ayon kay Romualdez, nakatakdang bisitahin ng pamahalaan ang 82 iba pang probinsya para maglunsad din sa BPSF.

“We hope to cover all 82 provinces within the next few months. Kaya sa ating mga kababayan na hindi pa nabibisita ng BPSF, huwag po kayong mag-alala at darating po sa inyong lalawigan ang serbisyo caravan para maghatid ng tulong-pinansyal at programa ng pamahalaan para sa inyo,” saad pa nito.

Nagpamamahagi rin si Romualdez ng mga 160,000 kilogramo ng bigas, kaya naman binansagan siya ng “Mr. Rice.”