Alitang Zubiri, Revilla, mitsa ng pagpapatalsik sa senate leader?

Nagreklamo si Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. sa ginawang call-out sa kanya ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri sa hiling nito na birtwal na dumalo sa mga plenary sessions sa Senado.

Nagreklamo si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa ginawang call-out sa kanya ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri sa hiling nito na birtwal na dumalo sa mga plenary sessions sa Senado.

Sinagot ni Revilla si Zubiri nang tanungin siya nitong, “Are you in coma?”

“Huwag na ‘pre. Bastusan na tayo dito, eh. Nirerespeto kita,” pagpalag ni Senator Revilla.

Matatandaang nagkaroon ng injury si Revilla sa kanyang ‘achilles tendon’ sa bandang takong ng kanyang paa matapos maaksidente.

Sa kabila nito, nakadalao pa rin si Revilla sa alliance signing ng partido niyang Lakas-CMD at partido ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na Partido Federal ng Pilipinas.

Dinepensahan nina Senator Francis Tolentino, Senator Chiz Escudero at Joey Villanueva si Revilla kung saan inaprubahan ng mayorya ang hiling ng senador na magtrabaho muna sa bahay habang hindi pa magaling ang kanyang paa.

Tila pinapahiwatig ng kampihan ang ginawa ng mga senador na siyang umanong dahilan kung bakit napagkasunduang patalsikin sa pwesto si Zubiri.