Alice Guo tapos na “masasayang araw” — Gatchalian

Tinawag ni Senator Sherwin Gatchalian na "game over" na para kay Bamban 'Chinese' Mayor Alice Guo ang kaso ng kanyang pagkatao.

Tinawag ni Senator Sherwin Gatchalian na “game over” na para kay Bamban ‘Chinese’ Mayor Alice Guo ang kaso ng kanyang pagkatao.

Matatandaang kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes na si Alice Real Guo at si Guo Hua Ping, isang Chinese national na pumasok ng Pinas noong 2003, ay iisa base sa nagtugmang mga fingerprints.

“Ngayon masasabi na talaga natin na one hundred and one percent na si Guo Hua Ping ay si Alice Guo,” sabi ni Gatchalian.

Ayon kay Gatchalian, kailangan munang harapin ni Guo ang mga kaso ng human trafficking, money laundering, tax at quo warrant na inihain sa kanya bago mapa-deport ng bansa.

“Itong mga kasong ito haharapin niya muna ito bago sya i-deport sa ibang bansa,” aniya.

Saad pa niya, mapagtitibay ang quo warranto case na ikinasa ng Office of Solicitor General kay Guo upang mapatalsik bilang mayor ng Bamban kung ikakansela agad ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pekeng birth certificate ng mayora.