Alice Guo sisilipin na rin ng DOJ!

Magsasagawa na ang Department of Justice ng kauna-unahang preliminary investigation bukas, Hulyo 5 kaugnay sa kasong qualified trafficking in person na kinakaharap ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at 13 iba pa.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nag-ugat ang kaso laban kay Guo sa reklamong inihain ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa DOJ.

Isinasangkot si Guo at ang 13 iba pa sa establishment at operasyon ng Baofu compound na dating Hongshen Technology at Zun Yuan Technology.

Ang mga nabanggit ay pawang mga POGO na naiulat na sangkot sa forced labor, human trafficking, online fraud at investment scams..

“No one will be spared from this investigation, heads will roll once we find probable cause to do so,” pahayag ni Remulla.