Alice Guo sisibakin sa NPC!

Sisibakin na bilang miyembro ng Nationalist People's Coalition (NPC) si Bamban Mayor Alice Guo.

Sisibakin na bilang miyembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC) si Bamban Mayor Alice Guo.

Ito ang kinumpirma ni Senator Sherwin Gatchalian na miyembro ng NPC Advisory Council, matapos sabihing hindi magandang halimbawa si Guo bilang miyembro ng kanilang grupo.

“As a member of the NPC advisory council, it is important that NPC members maintain integrity, or this will set a bad precedent,” sabi ni Gatchalian.

Napag-usapan umano ng mga Tarlac mayors sa pangunguna ni Tarlac Governor Susan Yap ang pagsipa kay Guo sa NPC.

Kasalukuyang humaharap sa mga kasong graft at suspensyon mula sa Ombudsman si Guo matapos isalang ang mayora sa senate hearing sa kanyang di umano’y koneksyon sa ilegal na operasyon ng mga POGO sa Bamban, Tarlac.

Nakilala rin si Guo sa isyu ng kanyang pagka-Pilipino. ‘Di kasi masabi ng mayora kung sino ang tunay niyang mga magulang, ‘di maalala kung saan siya nakapagtapos ng elemetarya at ‘di maipaliwanag kung saan galing ang helicopter at ang mga mamahaling mga property kahit na sinasabi niyang siya raw ay “simpleng tao” lamang.