Alice Guo sinipa na sa NPC

Inalis na ng Nationalist People’s Coalition (NPC) si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo mula sa kanilang partido.

Inalis na ng Nationalist People’s Coalition (NPC) si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo mula sa kanilang partido.

Ayon sa NPC, mayroon umanong mga reklamo laban sa alkalde tungkol sa kamyang pagkakasangkot sa na-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub.

Isa sa mga nagpasa ng petisyon ay si Tarlac Governor Susan Yap na isinampa noong Hunyo 17.

“In view thereof, I will be directing our Secretary General, Sec. Mark Llandro Mendoza to implement the said order and immediately inform Mayor Guo of her removal from the party,” ani NPC chairman Vicente “Tito” Sotto III.

Samantala, una ring iminungkahi ng kapwa miyembro ng NPC na si Senator Sherwin Gatchalian na tanggalin si Guo sa partido.