Alice Guo sa suspensyon ng Ombudsman: Inosente ako

Nagsalita na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo tungkol sa ipinataw na suspensyon ng Ombudsman sa kanya at dalawa pang local official.

Nagsalita na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo tungkol sa ipinataw na suspensyon ng Ombudsman sa kanya at dalawa pang local official.

Ayon kay Guo, bagama’t nirerespeto niya ang naging desisyon ng Ombudsman, giniit niyang siya ay inosente at handa siyang makipagtulungan sa mga awtoridad tungkol sa mga akusasyon laban sa kanya.

“I want to reiterate that I am innocent and I have served our town and its people with integrity. I believe this is an opportunity to clarify the accusations against me. I am ready to cooperate with the authorities to ensure truth and justice,” ayon kay Guo.

Sa kabila nito, hindi napigilan ni Guo na ipahayag ang kanyang kalungkutan at sinabing nalalabag daw ang kanyang karapatang pantao sa hinatol na preventive suspension.

“This is a violation of my rights as a person and as a leader chosen by your votes,” mensahe ni Guo sa mga bumoto sa kanya. “However, I will not give up and I will continue to defend my integrity and my character.”

Si Guo ay idinidikit sa nag-operate na Philippine offshore gaming operator (POGO) sa Bamban, Tarlac, at kinukuwestiyon din kung may lahi bang Pilipino ang alkalde.