Alice Guo sa mga mamahaling assests: Simpleng mamamayan lang po ako!

Itinanggi ni Bamban Mayor Alice Guo ang itinuturong sports car na kanyang pagmamay-ari at ginagamit lang daw ang helicopter upang gawing pang-negosyo.

Itinanggi ni Bamban Mayor Alice Guo ang itinuturong sports car na kanyang pagmamay-ari at ginagamit lang daw ang helicopter upang gawing pang-negosyo.

Ayon sa panayam kay Guo, binili niya ang helipcopter noong 2019 at may planong irehistro ito bilang “air taxi” na kanya naman ding ibinenta ngayong taon dahil pumalpak ang naisip na business.

Kinumpirma rin ni Guo na ang P33 milyong McLaren sports car ay pagmamay-ari ng isang kaibigan.

“Actually, it’s a show. Car show po ‘yun… sa Concepcion, Tarlac po ‘yun. ‘Yung mayor po ng Concepcion kaibigan ko… nag-entry lang po kami [for the car show] — hindi ko po siya sasakyan. Hiniram po namin sa kaibigan ko para i-entry para lang sa show para maging mas masaya lang po ang mga kababayan namin. I don’t own the McLaren,” aniya.

Nanindigan si Guo na siya ay isang simpleng mamamayan lang na nakatira sa bukid ng pamilya bago manalong mayor nitong 2022.

“Hindi po ako ganoon ka-powerful. Ako po ay isang simpleng mamamayan, ako po ay isang second-class municipality lang po. Wala po akong ganoong kalaking koneksiyon,” dagdag niya.