Alice Guo pinalagan bintang ni Win Gatchalian – Hindi ako si Guo Hua Ping!

Kinontra ni Bamban Mayor Alice Guo ang alegasyon ni Senador Sherwin Gatchalian na siya umano ang Chinese na si Hua Ping Guo.

Kinontra ni Bamban Mayor Alice Guo ang alegasyon ni Senador Sherwin Gatchalian na siya umano ang Chinese na si Hua Ping Guo.

Ayon sa kampo ni Guo, wala umanong katotohanan na siya ang nasa inilabas na dokumento ng mambabatas.

“Ayon kay Mayor Guo, ang kanyang tunay na ina ay si Amelia Leal at ang kanyang totoong pangalan ay Alice Leal Guo na nakasaad sa kanyang birth certificate at hindi Guo Hua Ping na ibinibintang ni Senator Gatchalian,” pahayag ng kampo ni Guo.

Kumpiyansa ang abogado ni Guo na si Atty. Stephen David na kanilang makokontra ang bintang ni Gatchalian.

Punto ni David, kung may Chinese passport umano si Guo ay hindi na nito kakailanganin pa ng Chinese visa.

Pinag-aaralan din ng legal counsel ni Guo kung kanilang kakasuhan ang mga naglalabas ng dokumento ni Guo tulad ng SALN ng suspendidong alkalde.