Alice Guo natutulala sa biglaang buhos ng issue

Mainit na usapan ngayon si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo dahil sa kuwestiyonableng pagkatao nito na nalantad sa Senate hearing.

Mainit na usapan ngayon si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo dahil sa kuwestiyonableng pagkatao nito na nalantad sa Senate hearing.

Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Stephen David, bagama’t masaya ang postura ni Guo sa kabila ng mga issue, napapansin nito na minsan ay natutulala ang alkalde.

“Pag nakikita ko siya masaya siya, pero hindi mo maaalis minsan, natutulala siya. Sino ba naman hindi matutulala, bigla na lang bumagsak ang mundo sa kanya,” wika ni David.

Ngunit aniya, nananatiling matatag si Guo at patuloy na lalabanan ang mga issue na pinupukol sa kanya.

“Wala naman tayong ibang gagawin kundi lumaban. Hindi naman tayo pwede sumuko,” saad pa ni David.

Si Guo ay pinatawan ng preventive suspension habang gumugulong ang imbestigasyon sa kanya dahil sa umano’y koneksyon nito sa POGO, pati ang umano’y kawalan nito ng dugong Pilipino.