Alice Guo kinasuhan na ng human trafficking

Sinampahan ng reklamong human trafficking ng mga awtoridad si suspended Bamban Mayor Alice Guo at iba pang indibidwal na konektado umano sa ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa lugar.

Inihain ng Philippine National Police (PNP) at ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang reklamong paglabag sa R.A. 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 sa harap ng Department of Justice nitong June 21.

Kasama sa mga inireklamo ay si former Technology and Livelihood Resource Center (TLRC) deputy director general Dennis Cunanan.

Nakapangalan kay “Guo Hua Ping” ang isinumiteng kaso na siya ‘di umanong totoong pangalan ng mayora base sa mga narekober na immigration papers.

Nauna nang sinampahan ng kasong graft si Guo ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Ombudsman dahilan upang masuspinde ang alkalde.