Alice Guo handang sumalang sa DNA test

Hindi uurungan ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang hamon na siya ay magpa-DNA test para mapatunayang hindi siya purong Chinese.

Hindi uurungan ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang hamon na siya ay magpa-DNA test para mapatunayang hindi siya purong Chinese.

Sa panayam kay Atty. Stephen David, abogado ni Guo, sinabi nito na kung lalabas ang umano’y biological mother ng alkalde ay sasalang ito sa DNA test.

“Wala namang problema ‘yan kung lumabas ‘yung kasambahay na ‘yan,” saad ng abogado.

Matatandaan na sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na magpa-DNA test si Guo dahil hinihinala ng mambabatas na isang Chinese national na si Wen Yi Lin ang tunay na ina nito.

Pero napag-alaman ni Gatchalian na wala na umano sa Pilipinas si Wen Yi, maging ang biological father ni Guo.