Alice Guo anak sa labas? Tunay na ina, ‘di kilala!

Sa kanyang ekslusibong panayam sa ABS-CBN, itinanggi ni Bamban Mayor Alice Guo na siya ay isang Chinese spy at inaming siya ay anak ng isang Pilipinong kasambahay ng kanyang ama.

Sa kanyang ekslusibong panayam sa ABS-CBN, itinanggi ni Bamban Mayor Alice Guo na siya ay isang Chinese spy at inaming siya ay anak ng isang Pilipinong kasambahay ng kanyang ama.

Ayon kay Mayor Guo, hindi niya kilala ang tunay niyang ina dahil pagkapanganak sa kanya ay iniwan agad siya sa kanyang ama. Nalaman lamang ni Guo ang pangalan ng ina sa kanyang birth certificate.

“At the age of twelve, nalaman ko po na siya po ay kasambahay po na first wife ng dad ko po. Hindi ko kayang sabihin [sa senate hearing], para sa’kin po, masyado po siyang private. Para sa’kin po, hindi ko siya kayang sabihin po sa tao na iniwan po ako ng sarili kong ina,” pag-amin ni Mayor Guo.

Natakot umano si Mayor Guo na sabihin ang totoo sa senate hearing dahil hindi pa siya handa na isiwalat ang tunay na kwento ng kanyang pagkatao.

“During the senate hearing po ay masyado po akong nablangko. Hindi po ako taga-Maynila, ako po ay taga-probinsiya. Hindi po ako sanay, at natatakot po ako. ‘Yun po ‘yung mas tamang term,” aniya.

Nag-sorry naman si Guo kay Senator Risa Hontiveros nang hindi siya nakasagot nang buo at maayos hinggil sa mga tanong sa kanyang Filipino citizenship.