Alex Gonzaga, Mikee Morada pinagkamalang si Toni G at James Yap!

Tawang-tawa ang netizens sa post ng isang delivery rider na inakalang si James Yap at Toni Gonzaga ang mag-asawang sina Alex Gonzaga at Mikee Morada.

Tawang-tawa ang netizens sa post ng isang delivery rider na inakalang si James Yap at Toni Gonzaga ang mag-asawang sina Alex Gonzaga at Mikee Morada.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Jess Silverio ang kanyang larawan kasama sina Alex, Mikee at tito nitong si Uncle Jojo sa isang burger stall.

Inakala ni Silverio na si Toni G at James Yap ang kanyang mga kasama.

Aniya, nilibre at kinausap siya ng dalawa at para bang matagal na niya itong kaibigan.

“[Hanggang] ngayon ‘di ako maka-move on. Ikaw ba naman inilibre ng burger at softdrink [at] kausapin [na] parang close na kayo ng matagal. Napaka simple talaga. Toni Gonzaga, James Yap, tapos yung isa ‘di ko, kilala baka tatay niya,” post ng netizen sa isang MC Taxi Facebook group.

Dahil dito, umani ng “haha” react at marami rin ang nag-share sa naturang post.

Naaliw din si Alex sa insidente at sinabing sana’y naliwanagan na sa ngayon ang rider.

“Sana makarating kay kuya na kami yun mag-asawa, ending pa nito magkaka-issue ang ate ko at james yap na nagpapaburger. Babawiin ko yan burger mo kuya 😭😂,” ani Alex.

TINGNAN: