Alerto! Taal Volcano nagbuga ng abo; Phivolcs nagbabala

Kumawala ang abo sa main crater ng Taal Volcano nitong Biyernes ng madaling-araw.

Kumawala ang abo sa main crater ng Taal Volcano nitong Biyernes ng madaling-araw.

Batay sa advisory ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nagkaroon ng phreatic eruption ang Taal bandang alas-5:11 hanggang 5:24 ng madaling-araw.

Umabot sa 2,400 meters ang usok na binuga ng bulkan.

“The phreatic event was likely driven by the continued emission of hot volcanic gases at the Taal Main Crater and could be succeeded by similar phreatic activity,” ayon sa Phivolcs.

Sa kabila nito, malabong tumuloy sa magmatic eruption ang naturang pag-alburoto ng bulkan.

Gayunpaman, pinaalala ng Phivolcs na nasa ilalim pa rin ng Alert Level 1 ang Taal Volcano.

Ibig sabihin ay nasa ‘abnormal condition’ pa rin ito at nananatiling may banta ng eruption ang naturang bulkan.

Kaya naman binalaan ang publiko na bawal pa rin ang pagpasok sa permanent danger zone ng Taal, lalo na sa fissure sa Daang Kastila at sa main crater.