‘AlengPulis’ high-tech na! Abuses vs kababaihan, pwede na isumbong online

Hindi na mahihirapang magreklamo ang mga kabataan at kababaihan na biktima ng pang-aabuso.

Hindi na mahihirapang magreklamo ang mga kabataan at kababaihan na biktima ng pang-aabuso.

Ito’y matapos ihayag ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) na binuksan na nila ang virtual helpline para sa mga babae at kabataan na nakararanas harassment online.

Ayon kay ACG chief Maj. Gen. Sidney Hernia, ang ‘AlengPulis with the CyberSquad’ ay ginawa para mabigyan ng agarang suporta ang mga naaabuso online.

“It utilizes various channels, including social media platforms, to reach out to and support those in need,” ayon sa pahayag ng PNP-ACG.

Ang limang pangunahing nirereklamo sa AlengPulis page ay cyberlibel, sextortion, debt collection harassment, online data hacking at internet crimes against children.

Isa sa naging matagumpay na operasyon ng AlengPulis Cybersquad ay ang pagkadakip kay alyas ‘Cyan-Cyan’, na nagpanggap na dentista para maengganyo ang mga kabataan na magpagawa ng DIY (do-it-yourself) na braces kapalit ng sexual activity na binibidyuhan ng suspek.

Paalala ni Hernia sa mga biktima ng pang-aabuso, bukas ang tanggapan ng AlengPulis para mailapit ang kanilang mga reklamo.