Alden tikom sa ugnayan kay Kathryn

Nais ni Alden Richards na ikubli sa publiko kung ano man ang namamagitan sa kanila ni Kathryn Bernardo.

Nais ni Alden Richards na ikubli sa publiko kung ano man ang namamagitan sa kanila ni Kathryn Bernardo.

Matatandaang ilang beses naispatan si Alden kasama si Kathryn. Bukod pa rito, napabalita ring nililigawan niya ang aktres.

Sa panayam ng Preview Magazine, nanatiling tahimik si Alden sa tunay nilang relasyon ni Kathryn.

“Whatever is happening between Kath and I, I really want it to be personal,” ani Alden.

Binuking din ng aktor na buhat nang magtambal sila ni Kathryn noong 2019 para sa pelikulang ‘Hello, Love, Goodbye’ ay nanatili silang magkaibigan.

“The friendship never ended. Naging solid din talaga ‘ung samahan naming lahat [when we were filming]. And right now, I’m just quite overwhelmed,” dugtong pa niya.

Hindi ito ang unang beses na tinanong si Alden sa relasyon nila ni Kathryn. Gayunman, hindi rin nagbago ang kanyang tugon na pananahimik sa anong mayroon sa kanila ng aktres.