Alden sumulpot sa housewarming party ni Kathryn

Muling nagsaboy ng kilig sa social media si Alden Richards matapos itong dumalo sa housewarming party ni Kathryn Bernardo.

Muling nagsaboy ng kilig sa social media si Alden Richards matapos itong dumalo sa housewarming party ni Kathryn Bernardo.

Kalat na sa social media ang ilang kaganapan sa naturang party ni Kathryn, kung saan muling naispatan si Alden.

Sa isang video, makikita na inaalok ng aktres si Alden na uminom ng alak.

Ayon pa sa ilang netizen, mababakas sa itsura ni Kathryn kung gaano ito kasaya kasama ang aktor, na naging katambal niya sa pelikulang ‘Hello, Love, Goodbye.’

Unang nagpakilig ang dalawa nang dumalo si Alden sa birthday celebration ni Kathryn sa Palawawn, gayundin sa naging post-birthday celebration na ginanap sa Maynila. Nagdala pa ang aktor ng bulaklak at regalo para sa aktres.

Samantala, nang tanungin tungkol sa kalagayan ng relasyon niya kay Kathryn, “What you see is what you get” ang naging sagot ni Alden.

Lalong umiigting ang kasiyahan ng mga netizen sa dalawa lalo pa’t pareho silang single.