Alden Richards trending pagsigaw sa Miss Universe PH 2024

Naganap na ang makasaysayang coronation night ng "Miss Universe Philippines 2024" nitong Miyerkules ng gabi, Mayo 22, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City, na naghatid ng tagumpay sa pambato ng Bulacan na si Chelsea Anne Manalo bilang bagong MUPH.

Naganap na ang makasaysayang coronation night ng “Miss Universe Philippines 2024” nitong Miyerkules ng gabi, Mayo 22, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City, na naghatid ng tagumpay sa pambato ng Bulacan na si Chelsea Anne Manalo bilang bagong MUPH.

Trending sa X ang #MissUniversePhilippines2024 kasama ang pangalan ng iba’t ibang kilalang kandidata, na agad nang naging paborito ng karamihan.

Sa naturang pageant, hindi maiiwasan na magkaroon ng meme-able moments na agad naman pinulutan ng mga netizens sa social media habang pinapalabas ito.

Kabilang dito ang “pasigaw” at “pagalit” na paraan ng pagho-host ni Kapuso Star Alden Richards. Gayunpaman, pinuri ang kanyang mataas na enerhiya na nagtulak umano sa mga manonood na magising sa kanilang antok.

Ito ay hindi ang unang pagkakataon na nadogshow si Alden, kasabay ng paglabas ng MUPH poster kung saan siya ay isa sa mga host. Marami ang nagsabi na tila isang “top agent ng insurance company” ang dating ng Kapuso Star dito.

Samantala, nananatiling tikom ang bibig ni Alden hinggil sa mga negatibong reaksyon na kanyang tinanggap.