Alden Richards sa birthday ni Kathryn Bernardo: ‘Bakit ngayon ka lang?’

Maraming netizens ang kinilig sa surprise song performance ni Alden Richards sa 28th birthday ni Kathryn Bernardo.

Maraming netizens ang kinilig sa surprise song performance ni Alden Richards sa 28th birthday ni Kathryn Bernardo.

Sa kumalat na video sa X, makikita si Alden kasama si Kakai Bautista na bumibirit ng ‘Bakit Ngayon Ka Lang’.

May hirit pa si Alden na hindi raw talaga siya kumakanta.

“Panis. Happy birthday, Kath! Hindi ko ginagawa ‘to, putek!” wika ni Alden.

Kasama si Alden sa birthday celebration ni Kathryn sa Palawan bago mag-Semana Santa.

Matatandaan na ang kanilang 2019 movie na ‘Hello, Love, Goodbye’ ay naging top-grossing Pinoy movie of all-time bago ito malampasan ng ‘Rewind’.