Alden Richards laging nasa bahay ni Kathryn Bernardo?

Palagi umanong pinupuntahan ni Alden Richards sa bahay ang nababalitang nililigawan niyang si Kathryn Bernardo.

Palagi umanong pinupuntahan ni Alden Richards sa bahay ang nababalitang nililigawan niyang si Kathryn Bernardo.

Sa YouTube vlog ni Ogie Diaz, ikinuwento nito na maging ang mga kasamahan ni Kathryn sa bahay ay tuwang-tuwa kada bibisita si Alden.

“Tuloy-tuloy na nga ang part 2 ng ‘Hello Love Goodbye,’ alam n’yo meron nga nagparating sa akin na nakakatuwa naman kahit na walang shooting ay patuloy na dumadalaw si Alden sa bahay nina Kathryn,” sey ni Ogie.

“Siyempre alam mo naman napakamagiliw naman ni Alden lagi naman talaga ‘yan ‘di ba? Kahit hindi nakangiti parang nakangiti pa rin, ganu’n si Alden. Iyon nga siyempre laging excited ‘yung mga kasama sa bahay ni Kathryn kapag nandon si Alden,” pagpapatuloy ni Ogie.

Dagdag pa ni Ogie, isa sa mga pinagkakaabalahan ni Alden sa tuwing bumibisita ito ay ang ipag-drive at turuang magmaneho ang dalaga.

“Si Alden sabi ng ano ro’n (kwento sa village) na si Alden daw ang mag-drive sa pali-paligid doon kay Kathryn,” tsika pa niya.

Hirit ni Mama Loi: “Ay driving instructor na rin si Alden?”

“Pag mahal mo naman ‘di ba, iisipin mo po ba ang estado mo sa buhay?” sagot naman ni Ogie.