Alden Richards, Kathryn Bernardo, mag-MU na?!

Pasabog ngayon ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz ang tunay na status sa likod ng relasyon ngayon nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Pasabog ngayon ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz ang tunay na status sa likod ng relasyon ngayon nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Sinabi ng “source” ni Ogie na may mutual understanding na raw ang KathDen o mag-“MU” na.

“Narinig ko lang naman ito, na something like, nabalitaan ko lang naman ito, ‘yung tungkol kay Alden at Kathryn na sila ngayon ay…” pabitin ni Ogie sa kanyang “Showbiz Update” show.

Dinugtungan niya naman ito at tatanungin sa dalawa kung totoo ang chismis o hindi.

Totoo ba Kathryn at Alden na kayo ay mag-MU na?” pahiwatig ni Ogie.

Chika pa ni Ogie ay feeling niya raw ay papunta na ang dalawa sa relasyon. Sabi-sabi din kasi na madalas na nasa bahay ni Kathryn si Alden.

Sa tanong naman kung bakit mag-MU lang at bakit hindi pa tunay na mag-jowa, espekulasyon ni Ogie na gusto munang bagalan ni Kathryn ang mga bagay-bagay at nais umano ng aktres na hindi magmukhang “promotion” ang relasyon nila ni Alden sa upcoming movie nilang dalawa na Hello, Love, Again.