Alden Richards gustong gawing personal relasyon kay Kathryn Bernardo

Isa sa mga nais gawing pribado ni Alden Richards ay kanyang relasyon kay Kathryn Bernardo.

Isa sa mga nais gawing pribado ni Alden Richards ay kanyang relasyon kay Kathryn Bernardo.

Ito ay sa kabila ng isyung may namumuong magandang relasyon sa dalawa.

Ayon kasi sa aktor, sa ngayon ay mas naging solid ang kanilang pagiging magkaibigan mula nang matapos ang kanilang pelikulang “Hello Love, Goodbye.”

“Whatever is happening between Kath and I, I really want it to be personal,” pahayag ng aktor sa isang panayam.


“The friendship never ended. Naging solid din talaga ‘ung samahan naming lahat [when we were filming]. And right now, I’m just quite overwhelmed,” dagdag pa nito.

Matatandaang mas umingay ang balitang nililigawan ni Alden si Kathryn nang makita ang dalawa na tila mas extra close sa birthday party ng dalaga.