Alden, Jericho nanliligaw na kay Kathryn – Ogie Diaz

Dalawang hearttrhob ang nag-uunahan sa puso ni Kathryn Bernardo, ayon sa nasagap ng showbiz insider na si Ogie Diaz.

Dalawang hearttrhob ang nag-uunahan sa puso ni Kathryn Bernardo, ayon sa nasagap ng showbiz insider na si Ogie Diaz.

Sa episode ng ‘Ogie Diaz Showbiz Update,’ isiniwalat ni Ogie na sina Alden Richards at Jericho Rosales ay nanliligaw na kay Kathryn.

“Nanliligaw na itong si Alden kay Kathryn at makikita naman iyan sa kanilang body language,” saad ni Ogie.

“What you see is what you get, so that’s what we got,” dagdag pa niya.

Ilang beses nang pinakilig ng ‘KathDen’ ang madla nang sopresahin ni Alden si Kathryn sa kanyang kaarawan, at kamakailan lang ay sumipot ito sa house blessing ng aktres.

Dagdag pa ni Ogie, boto ang mga magulang ni Kathryn kay Alden.

“Si Alden ay isang negosyante, financially stable, responsable, kaya natutuwa kay Alden ang pamilya ni Kathryn,” aniya.

“Dahil ‘yung mga gusto nila sa lalaki, pino-posses ni Alden,” saad pa ng showbiz insider.

Samantala, hindi rin umano nagpapahuli si Jericho sa pagporma kay Kathryn, ayon sa source ni Ogie.

“Ang sabi ng aking source, nanliligaw si Jericho Rosales kay Kathryn,” wika ni Ogie.

Nitong Enero ay inanunsyo ni Jericho ang hiwalayan nila ng asawang si Kim Jones. Kwento ng ninong ng dalawa na si Ricco Ocampo, 2019 pa naghiwalay sina Jericho at Kim.