Albay Provincial Library bukas na kahit weekend!

Extended ang operasyon ng Albay Provincial Library and Information Center.

Extended ang operasyon ng Albay Provincial Library and Information Center.

Inanunsyo ng Albay Provincial Information Office na bukas na rin ang library tuwing Sabado, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Dagdag ito sa regular na Lunes hanggang Biyernes na operasyon ng provincial library.

Hitik sa mga librong tungkol sa reference sources, general information, literature, children’s book, Bicol history collections, theses, at iba pang kailangan ng mga mag-aaral.

Mayroon ding internet at online service sa naturang provincial library.