Albay ipagdiriwang na Pinangat Festival

Handa nang ibalik ng lalawigan ng Albay ang kanilang Pinangat festival matapos ang apat na taong pagkawala sa pandemya at banta ng pagsabog ng Bulkang Mayon.

Handa nang ibalik ng lalawigan ng Albay ang kanilang Pinangat festival matapos ang apat na taong pagkawala sa pandemya at banta ng pagsabog ng Bulkang Mayon.

Ang pinangat ay isa sa mga kilalang pagkain sa rehiyon ng Bicol. Gawa ito sa dahon ng gabi, siling labuyo, at laman na niluto sa gata ng niyog, na binalot sa dahon ng niyog.

Base sa pahayag ni Mayor Carlos Irwin Baldo Jr. sa isang panayam, magaganap ang festival mula Hunyo 10 hanggang 24, kung saan inaasahang dadalo ang 20,000 na bisita.

Bukod pa riyan, layon din nito ang lokal na turismo at ekonomiya ng lugar.

“We want the tourists to see that Camalig has so much to offer. Aside from our famous tourist destinations with Mayon Volcano as a perfect view, we have our famous delicacies like the internationally known pinangat and pili nuts,” ani Baldo.

“This is aimed at preserving the culture and promoting the dish among younger generations,” saad pa nito.