Alay sa masugid na mananaya: PCSO, may pakulo para sa ika-89 anibersaryo

May espesyal na pakulo ang PCSO sa mga masugid na mananaya nito: Itatakda ng ahensya sa P89 milyon ang grand prize nang lahat ng laro ng lotto nito ngayon at bukas.

Itinakda ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa P89 milyon ang jackpot prize ng lahat ng limang laro nito para ipagdiwang ang ika-89 na anibersaryo ng ahensya ngayong Oktubre 30.

Ibig sabihin, P89 milyon ang jackpot na mapapanalunan sa 6/42 Lotto, 6/45 Mega Lotto, 6/49 Super Lotto, 6/55 Grand Lotto, at 6/58 Ultra Lotto.

“This is to celebrate the PCSO’s 89th founding anniversary, and also an early Christmas gift of the PCSO to our millions of loyal lotto patrons who support the PCSO lotto games and, in doing so, help us raise much needed revenues that go to our charity fund,” paliwanag ni PCSO general manager at board vice manager chairman Mel Robles sa isang panayam.

Dahil diyan, P89 milyon na ang grand prize sa 6/45 Mega Lotto at 6/55 Grand Lotto ngayong Lunes, Oktubre 30, samantalang ganoon rin ang jackpot sa 6/42 Lotto, 6/49 Super Lotto, at 6/58 Ultra Lotto sa Martes, Oktubre 31.