Alan Cayetano, pinakamaraming absent sa Senado

Numero uno pagdating sa paramihan ng absent sa Senado si Senador Alan Peter Cayetano.

PHOTO FROM Senate PRIB

Numero uno pagdating sa paramihan ng absent sa Senado si Senador Alan Peter Cayetano.

Sa isang press release ngayong Martes, iniulat ng Senado na may 12 mambabatas na kumpleto ang attendance sa kanilang 54 sesyon mula Hulyo 24, 2023 hanggang Pebrero 21, 2024.

Dito rin nabunyag na si Cayetano ang may pinakamaraming absent, na pumalo sa 14. Mayroon din siyang apat na official mission.

Ang pangalawa sa may pinakamaraming absent ay si Sen. Nancy Binay, na lumiban ng anim na beses.

Samantala, ang 12 senador na walang absent ay sina Senate President Juan Miguel Zubiri, Sen. Loren Legarda, Sen. Joel Villanueva, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. Bong Go, Sen. Robinhood Padilla, Sen. Bong Revilla, Sen. Raffy Tulfo, at Sen. Cynthia Villar.

Ani Zubiri, ang kasipagan sa pagdalo sa mga sesyon ng Senado ay patunay na seryoso sila sa kanilang mga trabaho.

“In my long years as a public servant, I have learned this one important thing: true leadership starts by showing up for the important work for the people. At dito sa Senado, we take that to heart,” pahayag ni Zubiri.