ALAMIN: Mga dapat abangan sa 1st Bicol Loco Festival

Tuloy na tuloy na ang kauna-unahang Bicol Loco Hot Air Balloon Festival na gaganapin sa Old Legazpi Airport sa Albay!

Tuloy na tuloy na ang kauna-unahang Bicol Loco Hot Air Balloon Festival na gaganapin sa Old Legazpi Airport sa Albay!

Mula May 3 hanggang 5, inilatag ang ilang activities na magpapasaya sa mga Bicolano at mga dadayo sa rehiyon.

Para buksan ang Bicol Loco Fest, magkakaroon ng skydiving Philippine Flag jump sa unang araw ng pista, alas-6 ng umaga.

Kasunod nito ay paliliparin din ang mga malalaki at makukulay na hot air balloon na magpapatingkad lalo sa ganda ng Mayon Volcano.

Magkakaroon din ng mga performance at mga exhibition na handog para sa mga Bicolano.

Nandiyan din sina Sarah Geronimo, Bamboo, Ely Buendia at Jerico Rosales para haranahin ang mga dadayo.

Inaaanyayahan ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ang lahat na dumayo sa Albay para sa Bicol Loco festival.