Alalahanin natin ang mga bayani: PBBM, hinirang na “Dekada ng Kasaysayan ng Pilipinas” ang 2023–2033

Sa ilalim ng proklamasyon, inatasan ng pamahalaan ang National Historical Commission of the Philippines na pangunahan at pangasiwaan ang pag-obserba sa Dekada ng Kasaysayan ng Pilipinas.

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na “Dekada ng Kasaysayan ng Pilipinas” ang 10 taon mula 2023 hanggang 2023.

Ito ay bahagi ng mga inisyatibo ng pamahalaan na palakasin ang nasyonalismo ng mga Pilipino at pag-igtingin ang respeto ng mga mamamayan sa mga bayani ng bansa.

Ang pagtatalagang ito ay naging epektibo sa pamamagitan ng Proclamation No. 396 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Nobyembre 7.

Sa ilalim ng proklamasyon, inatasan ng pamahalaan ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na pangunahan at pangasiwaan ang pag-obserba sa Dekada ng Kasaysayan ng Pilipinas.

Inatasan rin ang NHCP na mag-isip ng mga proyekto, programa, at aktibidad sa paggunita ng ika-100 anibersaryo ng Philippine Historical Research and Markers Committee (PHRMC), na hinalinhan ng NHCP.