Alagang baboy ninakaw sa Catanduanes, tinanggalan pa ng pata

Wala ng buhay nang matagpuan ang isang alagang baboy sa Virac, Catanduanes matapos itong nakawin.

Wala ng buhay nang matagpuan ang isang alagang baboy sa Virac, Catanduanes matapos itong nakawin.

Bukod kasi sa pinatay ito ay kinuha rin ang dalawang pata ng naturang alaga.

Batay sa ulat ng Unang Balita, nakita na lang umano nila na nagkalat ang dugo ng baboy sa kulungan nito.

Tila hinataw din daw sa ulo ang alaga, sinabi ng may-ari nito.

Samantala, tuluyan nang kinatay ng may-ari ang baboy.

Handa rin umano silang makipag-areglo sa kung sino man ang may gawa nito sa kanyang alaga.