Akyat bahay nabulilyaso nang magsalita may-ari sa CCTV

Bigo ang tangkang pagnanakaw ng dalawang lalaki sa Naga City, Camarines Sur matapos umeksena ang may-ari ng pinasok nilang bahay sa pamamagitan ng CCTV.

Bigo ang tangkang pagnanakaw ng dalawang lalaki sa Naga City, Camarines Sur matapos umeksena ang may-ari ng pinasok nilang bahay sa pamamagitan ng CCTV.

Ayon sa ulat, pasado alas-4:00 ng madaling araw nang pasukin ng dalawang lalaki ang isang bahay.

Napansin umano nila na may CCTV kaya’t nagtakip sila ng kanilang mga mukha at pinatay pa ang mga ilaw.

Ilang saglit lang, bigla na lang silang nakarinig ng boses. ‘Yun pala, tinig ito ng may-ari na napapanood sila habang nilolooban nila ang bahay. Nasa Amerika pa umano ang may-ari na isang combat engineer, at umabot ang tinig nito sa CCTV dahil sa internet.

Sa takot, nagtakbuhan palabas ang dalawa at walang natangay na gamit.

Kasalukuyan nang pinaghahanap ang dalawang suspek.