Akusado sa Percy Lapid murder pumanaw

Sumakabilang buhay nitong Biyernes si Ricardo Zulueta, isa sa mga akusado sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid.

Sumakabilang buhay nitong Biyernes si Ricardo Zulueta, isa sa mga akusado sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid.

Batay sa ulat ng pulisya, heart failure ang ikinamatay ni Zulueta sa edad na 42 anyos.

Dinala pa umano si Zulueta ng kanyang kapatid sa Bataan Peninsula Medical Center sa bayan ng Dinalupihan, kung saan idineklara siyang patay dakong alas-11 ng gabi.

Si Zulueta ay dating deputy security officer ng Bureau of Corrections (BuCor). Sinampahan siya ng two counts of murder kasama sina dating BuCor chief Gerald Bantag at si Jun Villamor kaugnay ng pagpatay kay Lapid.

Ang iba pang nakasuhan sa Lapid murder case ay ang self-confessed gun man na si Joel Escorial, at sina Israel Dimaculangan, Edmon Dimaculangan at isang lalaking kinilala bilang si Orlando.

Nadawit din sa kaso ang ilang bilanggo na sina Denver Mayores, Alvin Labra at Aldrin Galicia.

Si Lapid ay pinagbabaril sa Las Piñas City noong Oktobre 3, 2022. Samantala, si Villamor na siya umanong middleman sa krimen ay namatay sa loob ng bilibid Oktobre 18 ng parehong taon.